Monday, January 16

The Confessions of an Insomniac Part VII o ang Pangungumpisal ng Isang Taong Hindi Makatulog {{{2.27 am}}}

Matagal-tagal na ring hindi ako nakakapagsulat sa sarili kong lengwahe. Nabasa ko kasi yung blog ni Oski kanina {dapat matutulog na ako pero binasa ko}, kaya hindi na rin ako nakatulog. Heto na naman ako, nakaharap sa pentium 4 BC na computer, may hawak na sigarilyo, nagta type at nagdarasal na sana di mag-hang ang PC kasi hindi ko maisa save ang latest blog entry ko. Nakakahiya mang sabihin, hindi ako magaling sa Filipino. May isang professor na nagsabi sa amin na karamihan sa mga Pinoy daw, nagta-Tagalog {or Filipino, tingnan mo naman, sa pangalan pa lang, lugi na tayo - di mo alam kung Tagalog ba o Filipino} pero kung mag-isip, Ingles. Bibihira daw ang nag iisip ng purong Filipino {o Tagalog}. Kung mapapansin mo mambabasa {reader}, di ko maiiwasang gumamit ng mga terminolohiyang banyaga. Sampol lang tol. Expletives o pagmumura sa Talapino (Tagalog at Filipino, kasi kung tutuusin Tagalog naman talaga lahat ang Filipino. Di ko rin masisisi ang mga Bisaya at Cebuano kung bakit ang sasama ng loob sa mga taga Luzon) back to the blog (ayan nag Ingles na naman ako!)

CUSSING o PAGMUMURA

shit fuck motherfucker {minsan muthafucka pa nga para hip-hop} sonofabitch asshole punyeta {spanish word} puta {isa pang spanish word} atbp...

Sa pagmumura pa lang, dehado na tayo {spanish din yan dejado}. Minsan natatawa ako pag naiisip ko ang sinabi ng professor ko. Totoo naman. Mas magaling pa nga tayo sa English Grammar kesa sa Talapino. Mas magaling tayo mag spelling sa Ingles kesa sa lenguahe natin. Minsan, ako pa nga ang tinatanong ng mga Amerikano at Inglatero kong kakilala kung pano mag spell ng ganito or ganyan. Biruin mo, si Brown Boi from the Tropics kayang i-spell ang M-E-C-H-A-N-I-S-M at alam ang ibig sabihin ng E-L-A-T-E-D. Minsan nakakatawang isipin, ang yabang yabang ng ibang puti {hindi lahat ha, tandaan niyo, sa lahat ng lugar may ASSHOLE, baka yung katabi mo nga ngayon isa rin, eh} na nakikilala ko dahil lng sa kulay nila at sa kanilang pagiging Caucasian. Maputi, blonde ang buhok, 6 footer {hehe may mga pandakekong din palang mga puti} at higit sa lahat, sa kulay ng mga pasaporte nila. Sensha na lang ako GREEN ang passport ko. Sa loob-loob ko, Spelling Bee na lang tayo o! Sige, ewan ko lang kung di kayo maduling sa kakaisip.

Ewan ko kung saan patungo itong blog entry ko. Gusto ko lang kasing magsulat ulit sa Talapino. Sabi nga ni Juan, "Bahala na". Hahayaan ko na lang na Stream of Consciousness ang gumana.

Nung napadpad ako dito, nag iba pananaw ko. Sabihin nating nagbago ako. Marami nga nagsasabi na nagbago ako. Bagong pang asar sa akin ni NiNa "NAGBAGO KA NA!". Siguro nga. Marahil. Pero kailangan ko. Kasi kung hinde, baka malunod ako. Nung napadpad ako dito, napagtanto ko na ang laki laki pala ng mundo. Syet! {Shaz and Helga, and for the English speakers who read my blog, syet is a Filipino expletive which is a derivative of the English word 'shit', which I believe, I don't have to explain the meaning}. As I was saying.... SYET! Kala ko..... Pero kala ko lng pala. Dami kong inakala pero hindi pala ganun in real life. Tulad nito:

MGA AKALA ni OMAR

1. Mabango ang mga puti o Caucasians

Hindi lahat. May mabaho, may tama lng, may amoy bagong paligo, may amoy na alam mong tinabunan lang ng cologne, may amoy kusina, may amoy post office, may amoy vanilla, may amoy suka, may amoy fried chicken, may amoy matanda {pero bata pa} at kung anu anu pa.

2. Liberal ang mga Westerners

Hindi lahat. Karamihan ng mga nakilala ko kung hindi supahLEFT, supahRIGHT. Sasabihin nung iba na open minded sila pero kung titingnan mo, sila rin pala ang konserbatibo. Sasabihin nila sosyalista sila pero tingnan mo naman kung pano magtrato ng tao. Sosyalista, Komunista, Kapitalista, Kristyano, Mormon, Wiccan, Budismo, Metrosexual, Republican, Democrat, Nader o anuman. Mga pangalan lang yan. Pag tiningnan mong mabuti, lahat tayo nag ooperate sa BASIC INSTINCTS natin - mabuti man o masama.

3. Mapepera ang mga Westerners

Hindi lahat. May umutang nga sa akin ng 30 pesos, eh. Hehe.

4. Magaling mag Ingles ang mga Westerners

Hehe. Spelling be na lang! Kung tutuusin, mas magaling tayo. Sa accent lang sila may partida. Pero madaling gayahin ang accent. Sa dinami dami ba naman ng call center sa Pilipinas... di ba Aisa?

5. Bobo ang mga nonCaucasians

Hindi po. Karamihan sa mga nakilala kong taga Africa, Polynesian Islands, Carribean, at Indian SubContinent mas may utak pa kesa sa mga ibang puti. Oo, may mayayabang din at mga gago. Pero saan bang lugar ang wala? May nakausap nga ako na taga Cameroon {hanapin niyo sa mapa yun, pusta ko di niyo alam kung saan siya, kasi masyado tayong nabighani sa laki ng America, Canada, Australia at Europa}, magandang babae, at may masters sa Foreign Languages. Kayang magsalita ng Ingles, Italian, German, French, at Afrikaans at siyempe yung mga major dialects ng bansa niya. O, sankapa? WHAPPACK!

6. Pangit ang mga nonCaucasians

Eto pangit sa karamihan sa atin, pag di maputi, PANGIT. Kasama ako dun. Kala ko dati malawak pag iisip ko. Sing lawak ng Pacific Ocean. Pero may color preference pa rin pala ako na nagtatago sa subconscious ko. Nang makilala ko si Shaz, nagbago pananaw ko. Ang ganda ganda ni Shaz. Kung straight ako, di ako magdadalawang isip na.... eniweys. {hehe Merci beaucoup mi amore. A bientot dans Maputu, eh?}Nang makilala ko si Shaz dun ko natutunang hangaan ang anumang hindi puti. At nung nakita ko ang kagandahan ng kaitiman o ng hindikaputian, napag isip isip ko, tang ina, kung ako nagpapaputi yung mga kanong kakilala ko nag papaitim. Okey pala ng kulay ko.

Minsan nga may nakausap akong taga Jakarta, sabi niya, ang swerte mo naman at Pinoy ka. Sabi pa niya, ang dami daw naiinggit sa mga Pinoy {whoa! ganun} kasi ang puputi daw natin. Sabi ko sa kanya lika, labas tayo. Lumabas kami. pinagtapat ko braso ko sa braso niya. Tapos tinanong ko kung anong kulay ng braso ko. Sabi niya BROWN! {parang Colgate commercial}, tapos tanong ko anong kulay ng braso niya. Sagot niya, BROWN {di na parang Colgate commercial}. Sabi ko sa kanya, Lighting lang yan tol. LoL. Pero sabi niya, cute pa rin daw ako. Sabi ko naman, BOTOX yan. hehe. {wink*wink}. Seriously. Nagiging proud na ako sa kulay ko. Makikita ko dito, daming mga Chinese at Koreans na nagpupunta sa tanning salons para mag pa Tan. Di rin ako mag mamalinis, gumagamit ako ng whitening agent dahil sa pimple scars ko. Buti naman at nagkaroon ng epekto. hehe. Basta, para sa akin HOT si Djimon Hounsou.

7. DON'T TRUST FOREIGNERS

May kaunting katotohanan dyan. Pero, sa aking experience dito, mas marami akong napagkatiwalaan na hindi ko kabansa. Minsan kung sino pa yung kakulay mo, yun pa ang tatae sa mukha mo. Sabi nga rin ni Shaz, sa France ganyan din daw. Sa mga immigrant communities, mas nagkakaroon pa sila ng problema sa mga kalahi nila kaysa sa ibang tao. Ganun naman talaga siguro. Kasi, ang nangyayari, yung dating mikrokosmos, nagiging makrokosmos.

Ayokong mag enumerate ng mga akala ko. Kaunti lamang yan sa mga kinailanganin kong bitakin tapos ibalik at tapos bitakin ulit hanggang maayos sa isang nararapat na lugar, nararapat na posisyon, nararapat na pagtanaw. Ang hirap kasi makita kung ano ang nasa harapan mo kung may pader na nagbabalakid sa iyo. Naamoy mo yung dagat pero di mo makita. Nakikita mo ang langit pero hidni mo alam kung hanggang saan. Kailangan mo pang tumingala. Pero pag umakyat ka sa pader, o kaya'y tumayo sa ibabaw ng pader, ang dami mong makikita. Magugulat ka. Pwede pala magsama ang Dagat at Langit.

Sabi ng iba kong kakilala na swerte daw ako. Marahil. Pero may nagsabi nga sa akin, na ang swerte ay hindi talaga swerte. Laging may trade-off, ika nga. Kapag lumaki ang mundo mo, lalaki rin ang responsibilidad mo. Sabi sa amin ng isang professor. Pano ko ba maisusulat 'tong nararamdaman ko ngayon? Teka.

Bigyan niyo ako ng isang sigarilyo.... {hithit Omar, hithit}

Ibibigay ko maski puri ko:

~Makita lng, yakapin at mahalikan ang pamilya ko.

~Makita lang, yakapin at mahalikan ang mga kaibigan ko.

~Makakain ng Tocino, Sinigang na maraming gabi, Shawarma, BBQ, Lugaw sa Blummentritt, Jollibee, 7-11 at Toknene

~Makapaglakad sa Quiapo at magpahula at bumili ng pamparegla

~Magyosi sa sementeryo kasama kahit sinumang may gustong sumama sa akin

~Manood ng sine na malakas ang aircon

~Mag-book hunting

~Mag halukay sa ukay ukay

~Mamangka sa Pasig River

~Makapag swimming sa beach {di pa ako nakakarating ng Bora o Puerto Galera *hikbi*}

~Makapunta ng Baguio {*singhot*}

~Sumabit sa Jeep

~Maglakad sa kalye

~Umihi sa daan {pwede pa ba yun?}

~Bumalik sa Palawan

~Bumalik sa Bicol {at maligo in open air}

~Makita ulit si Mike Enriquez sa TV

~Mapanood ulit si Kris Aquino na iniinterview ng reporter at sabihin sa buong Pilipinas {na kumakain ng hapunan} na may STD siya

~Maglakad sa Tandang Sora at Avenida at Escolta at Chinatown at Mendiola at Baywalk at Recto at Makati at Monumento at EDSA

.....................................................................

Maswerte ako. Marahil. Pero.

.....................................................................

Alam mo, ang dami kong gustong gawin ngayon, pero wala lahat dito. Minsan, siguro, kailangan kong sampalin sarili ko at mag reality check. Nandito ako. Naroon sila.

Minsan naisip ko. Nakakaawa tayo. Hanggang ngayon, Indio pa rin tayo. Wala rin pala tayong pinagkaiba sa mga puti. Ang yabang yabang din natin. Away dito. Away doon. Ala nang pera ang gobyerno pero ang gagara ng kotse ng mga nakaupo. Ang daming gutom. Ang daming alang trabaho. Ang daming gagraduate ngayon na di sigurado kung may papasukan. Ang daming naglalakad sa Ortigas at Makati na naka sputing, necktie, long sleeves {kahit sobrang init}. Ang daming gustong magpakasal na hindi pwedeng ikasal dahil hindi sila covered ng constitution. Ang daming kristyano na hindi naman kristyano. Ang daming simbahan na naglalakihan. Ang daming pulubi sa labas ng mga simbahang naglalakihan. Ang daming magsasaka at mangingisda na nawawalan ng pag-asa sa lupa at sa tubig at naghahanap ng kasagutan sa bundok. Ang daming sundalong sumusunod sa mga walang kwentang dirketibo. Ang daming napuputol na mga puno sa mga bundok. Ang daming problema. Parang kang nasubsob sa tae ng kalabaw na sinukahan ng aso na tinaihan ng pusa na inihian ng daga na iniputan ng manok na dinapuan ng langaw...

Ang ganda ng word na 'democracy'. Sabi nga ng kalaro kong si Nining Liit {ibig sabihin may Nining Laki}, WORD LANG YAN. What a word. Hehe. Eto pang isang word para sa mga lahat ng naiboto sa kung pano mang paraan at may armas na binabayaran ng publiko. PUTANGINA NIYO. {Shaz and Helga putangina is an expletive/cuss which is a rough translation of mother fucker/son of a bitch or your mother's a whore in English. It's actually a pidgin of Madre de puta or Puta Madre which means the exact same thing. By the way, I taught our Russian friend how to say it}.

Siguro iniisip isip mo {ikaw na nagmbabasa nitong walang kuwentang blog na to} na nawalan na ako ng pag-asa. Sabi nga ni Steven Tyler J-J-J-JJJJ-J-Jaaaaaded. Di naman. Anger Management lang to. At isa pa. Insomniac ako. hehe. Malaki pag asa ko. Malawak. Sinlawak nung natanaw ko nung tumayo ako sa ibabaw ng pader at nakita ko kung pano nagtama ang Langit at Dagat. Hangga't buhay si Mike Enriquez, may pag asa pa ako. Tol, tingnan mo naman si pareng Mike. Di kaanya anyaya ang mukha pero bigshot Network Executive {WHAPPACK!}. Hangga't nanjan si Kris Aquino na willing maglantad ng kanyang STD sa buong mundo, ok pa rin ako {I love you Kris. pa kiss!}. Hangga't di pa umaabot sa 200 pesos ang pinakamurang Value Meal ng Jollibee, oks pa rin ako {pucha sana di magkaroon ng SUPEROILCRISIS with THEDAYAFTERTOMORROWCATASTROPHE - Omar makes the sign of the cross, spits over his right shoulder then over to his left and looks up to the ceiling and then prays to yoda}. Hangga't hindi pa kasing size ng Champion Cigarettes and Lucky Me Pansit Canton. Hangga't may Eat Bulaga pa. At higit sa lahat...

Hangga't may mga taong tulad nila oski at auch at allan at romel at ramboy at jepoy at dennis at lahat ng mga nabanggit ko sa sa MISS LIST KO... may pag asa pa ako. may rason ako na tumalon ng pader at lumangoy kung saan nagtatama ang Langit at Dagat. GRADE -A- SHIT ang mga nasa listahan na yan. Pag nawala man ni isa sa kanila, grabe kawalan ng bansa ko {at pati na rin ng mundo ko -shyt ang drama ko, grabe yung noodles na kinain ko kaninang hapunan-}

Mag uumaga na. Hindi pa rin ako inaantok. Pero masaya ako. Pero Gutom na naman ako. Inom na lang siguro ako ng juice.